Paligid ng Golden Mosque sa Qiuapo, bantay-sarado ng MPD

Mahigpit na seguridad ang ipatutupad ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng Golden Mosque sa Quiapo.

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.

Buong paligid ng Golden Mosque ay bantay-sarado upang masiguro ang kaligtasan sa mga dadalo sa naturang selebrasyon.


May mga inilatag din na checkpoint at patuloy na nagpapatrolya ang ibang mga pulis katuwang ang SWAT.

Inaasahan na libo-libong mga Muslim ang makikibahagi sa gagawing pagsamba o pagdarasal.

Bukod dito, bantay-sarado rin ang Rizal Park dahil may iba rin mga Muslim ang nagtungo doon para ipagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan.

Facebook Comments