𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗪𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 – 𝗕𝗙𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Nanawagan ngayon ang Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan sa publiko na bigyang pansin ang nakikitang problema sa electrical wirings sa mga kabahayan at establisyimento upang mmg maiwasan ang sunog.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay BFP Dagupan FCINS Michael Escaño, kadalasang pinagmumulan ng sunog ay sa electrical wiring na maaring naluma na, nabalatan o mali ang pagkakainstall.

Noong Lunes, naitala ang magkasunod na fire incident sa isang establisyimento sa AB Fernandez Ave. at mga barong barong sa isang compound sa Brgy. Pantal.

Hinikayat ang mga Dagupeños na magkaroon ang lahat ng emergency hotline number ng BFP Dagupan upang mabilis na matugunan ang anumang insidenteng sunog.

Dumulog sa numero ng BFP Dagupan na 0917 184 2611 upang marespondehan ang mga kaugnay na sitwasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments