Saturday, April 4, 2026

Senador, umalma sa pag-aresto sa driver na aksidenteng nakabangga sa estudyanteng tumalon mula sa LRT-1

Hindi makatwiran para kay Sen. JV Ejercito ang pag-aresto sa driver na aksidenteng nakasagasa sa lalaking estudyante na tumalon mula sa LRT-1 Fernando Poe Jr. Station noong Miyerkules.

Ayon kay Ejercito, ang awtomatikong pag-aresto at pagkulong sa driver ay tila pagbalewala sa prinsipyo ng “presumption of innocence.”

Giit ng senador, hindi dapat ikulong ang isang tao kung wala namang ginawang kapabayaan at nagkataon lamang na nasa maling lugar at maling oras nang mangyari ang insidente.

Upang hindi na maulit ang ganitong sitwasyon, umapela si Ejercito sa agarang pagpapasa ng Senate Bill No. 338 o ang “Defensive Driving Protection Act.”

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng proteksyon ang mga driver na walang kasalanan laban sa unjust detention at arbitrary cases. Paiiralin dito ang due process at iiwasan ang agarang pagkulong sa mga driver na maaari ring ituring na biktima, lalo na kung may malinaw na ebidensiyang nagpapatunay na wala silang pananagutan.

Facebook Comments