π—˜π— π—£π—Ÿπ—˜π—¬π—”π——π—’ π—‘π—š π——π—˜π—‘π—§π—”π—Ÿ π—–π—Ÿπ—œπ—‘π—œπ—– 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ 𝗑𝗔 π—šπ—¨π— π—”π— π—œπ—§ π—‘π—š π—£π—˜π—žπ—˜π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—¦π—˜π—‘π—¦π—¬π—”, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’

Huli ang isang empleyado ng IPQ Dental Clinic na matatagpuan sa Malimgas Public Market matapos gumamit ng pekeng lisensya.

Sa tulong ng isinagawang undercover operation, nagpanggap ang isang asset kaya nahuli ang suspek. Napagalaman na anim na taon nang nagtatrabaho ang suspek sa clinic at gumagamit ng pekeng lisensya bilang dentista.

Hindi naman naipasara ang nasabing dental clinic dahil mayroon pa rin naman itong lisensyadong dentista.

Nilabag ng suspek ang Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007 at haharap ito sa 2-3 taong pagkakakulong at magmumulta ng P200,000 – P500,000.

Nagpaalala sina Dr. Narissa Ragos at Dr. Jen Yalung, Chairman at Deputy Chairman ng Campaign Against Illegal Practice-Philippine Dental Association sa publiko na magpatingin lamang sa mga lisensyadong dentista. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments