𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan sa isang natagpuang granada sa Lungsod ng Urdaneta.

Ang nasabing granada ay nakita habang naglilinis ang mga concern citizens sa isang lugar sa Barangay Bactad East sa nasabing lungsod.

Gagawa sana sila ng isang opisina ng mga senior citizens sa lungsod ng makita ang nasabing granada.

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad at agad na itinawag sa Explosive and Ordinance Division ng PNP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments