π—˜π—¦π—§π—¨π——π—¬π—”π—‘π—§π—˜, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—₯π—’π—¦π—”π—Ÿπ—˜π—¦

Kalaboso ang isang disi siyete anyos na binata matapos magpositibo ang ikinasang buy bust operation laban dito sa bayan ng Rosales.

Ang suspek ay isang disi siyete anyos na estudyante at residente ng nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas tres ng hapon na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng limang sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at dalawang zip lock plastic sachet.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments