𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗡𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗕𝗢𝗠𝗕𝗦 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦

Natagpuan ang dalawang vintage bomb sa bayan ng San Nicolas habang naghuhukay ang isang residente roon.

Ayon Kay Solomon Segundo isang retired PNP member at residente ng Brgy. Malico, kasalukuyang naghuhukay ito sa kanilang compound pasado alas onse ng umaga ng nahukay ang nasabing mga vintage bombs.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad kung saan ay napag-alaman na ang mga ito pala ay isang one round 81 millimeter cartridge at Isang one round 77 millimeter cartridge.

Sa ngayon ay hawak na ito ng mga awtoridad at inihahanda para sa tamang disposisyon dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments