π—˜π—¦π—§π—¨π——π—¬π—”π—‘π—§π—˜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 π—”π—žπ—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—”π—‘π—”π—’π—”π—š

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang bente uno anyos na estudyante matapos itong maaksidente sa bayan ng Manaoag.

Ang biktima ay nakilalang si Ramraj Carreon residente ng Barangay Nalsian sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas dos ng madaling araw habang sakay ng kanyang motor ang biktima nang bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela dahilan upang bumangga ito sa Harang sa gilid ng kalsada at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular sa ulo.

Agad naman itong naisugod sa pagamutan subalit namatay habang ginagamot ito. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments