𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗔𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗦𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Arestado ang isang aktibong miyembro ng Philippine National Police at isang street level individual sa usapin ng illegal drugs sa bayan ng Asingan matapos silang maaktuhang nag transaksyon ng illegal drugs.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Police Corporal Rodolfo Patricio residente ng Urdaneta City at naka-assign sa Sta Maria PNP at Edmar Padua Alyas ‘Puto’ residente ng bayan ng Asingan.

Ayon sa impormasyon, nagsasagawa noon ng monitoring at balidasyon ang Municipal Drug Enforcement Team ng PNP laban Kay Padua kung saan ay magkakasa sana ng buy bust operation nang makita itong katransaksiyon si Patricio at may inabot itong plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Pulis.

Nang lapitan ng mga pulis ang dalawa ay agad na tumakas si Patricio sakay ng sasakyan habang nacorner agad nahuli si Padua.

Nakuha mula kay Padua ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng kalahating gramo na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Samantala, agad naman nagsagawa ng drug net operation na nagresulta sa pagkakahuli kay Patricio kasama ang Isang 9mm Caliber na baril.

Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments