𝗙𝗔𝗜𝗧𝗛-𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Inaasahan ang pagdagsa ng deboto, pilgrim, bisita o turista man sa lalawigan ng Pangasinan sa pagsapit ng Semana Santa.

Ayon kay Tourism and Cultural Officer Malu Elduayan, matatagpuan sa Pangasinan ang mga century-old catholic churches. Ilan sa mga pinaka binibisita ang Minor Basilica of Our Lady of Rosary of Manaoag; Santuario de San Juan Evangelista sa Dagupan City; at ang Sts. Peter and Paul Church sa Calasiao.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Manaoag, abot 55,000 pilgrims kada linggo ang inaasahang dadagsa sa Basilica sa bayan kaya patuloy ang koordinasyon nila sa ibang government agencies.

Kaugnay nito, ilang patok din na pasyalan sa lalawigan ang mga white-sand beaches, pilgrimage sites tulad ng stations of the cross sa isang burol sa Bani at Christ the Savior statue na matatagpuan sa tuktok ng isang isla sa Alaminos City.

Nauna na nang naglabas ng drop and pick up policy ang lungsod ng Alaminos ukol sa mga pilgrim at turista na bibisita. Inaasahan na 10,000 kada araw ang dadayo sa lugar.

Nagpaalala naman si Miguel Sison, angCity Tourism Officer ng Alaminos na magsuot ng desente ang mga turista at obserbahan ang katahimikan dahil karamihan ay nagpupunta doon upang magdasal at magmeditate.

Kaugnay nito, nasa 2,000 kapulisan ang ipapakalat sa probinsya para sa seguridad ng mga bawat isa sa sasapit na long weekend at semana santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments