𝗣𝗟𝗘𝗫, 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡-𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Makatutulong sa pagpapabilis ng byahe at pagkonekta sa Eastern papuntang Western Pangasinan sa pagsasagawa ng Pangasinan Link Expressway o PLEX sa oras na ito’y matapos.

Sa pamamagitan ng isinasagawang expressway na ito ay mapapadali at mapapabilis na ang oras ng pagbyahe sa loob sa pagbisita rin ng mga turista sa probinsya.

Wala rin gagastusin ang provincial government sa pagsasagawa nito.

Nito lamang, nagsagawa ng groundbreaking ceremony para sa naturang konstruksyon ng PLEX kung saan dinaluhan ng mga opisyal at iba pang bahagi ng pagsasakatuparang ng naturang expressway.

Ang PLEX ay isa sa nakikita rin na para makapagbigay at makapagbukas ng marami pang trabaho sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments