CAUAYAN CITY – Inaasahan ng mga miyembro ng Samahan ng Mangingisda ng San Mateo na tataas ang kanilang kita sa fish farming kasunod ng paglulunsad ng Fisherfolk Field School sa Barangay Victoria, San Mateo, Isabela.
Layunin ng Fisherfolk Field School na mapalakas ang fishing community sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat na kasanayan, kaalaman, at resources na magiging dahilan upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Dalawampu’t limang (25) miyembro ng fisherfolks organization ang unang sasailalim sa Season-Long Learning Session mula Abril hanggang Nobyembre.
Dalawang beses bawat buwan naman ang hands-on training sa Aquaculture simula Mayo.
Inihayag naman ni Dr. Emma L. Ballad, Caretaker ng Provincial Fishery Office of Isabela, na dapat samantalahin ng mga benipisyaryong mangingisda ang naturang programa.