๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—™๐—ข๐Ÿฎ

Cauayan City – Matagumpay ang isinagawang Solo Parent Week matapos ipagdiwang ng ahensya ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) ang National Solo Parents Day Celebration, kamakailan.

Ang naturang selebrasyon ay ginanap sa Robinsonโ€™s Place Tuguegarao City.

Ang nasabing programa ay para sa mga solong magulang, upang parangalan at kilalanin ang kanilang katatagan at dedikasyon sa pagtataguyo ng mga anak.


Dumalo sa programa ang ilang mga Local Government Unit ng Tuguegarao, maging ang mga DSWD FO2 officials, upang ihayag ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga solo parents sa lipunan.

Ilan sa mga benepisyong natanggap ng mga solo parents ay ang livelihood assistance, educational assistance, at counseling.

Facebook Comments