Higit 100 ektarya ng bahagi ng bundok ng Malico, San Nicolas ang nasunog dahil sa tinapong upos ng sigarilyo ng isang dumaang turista.
Ayon sa salaysay ng mga residente, isang grupo umano ng rider ang tumigil sa view deck upang kumuha ng litrato at isa sa mga ito umano ang nagtapon ng upos ng sigarilyo. Dagdag pa ng mga residente, nagsimulang sumiklab ang apoy alas 8:30 ng umaga.
Ayon kay Shallom Balolong ng San Nicolas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nakatanggap sila ng ulat ng forest fire bandang 9 ng umaga sa KM218 marker ng Malico Mountain.
Ang mga unang aksyon upang patayin ang apoy ay hindi epektibo kung kayat umabot pa ng alas 8:30 ng gabi bago ideklara ng mga DENR rangers na fire out. Sa oras na iyon ay umabot na sa higit 100 ektarya ang naabo.
Pinayuhan naman ni Balolong ang mga turista na wag magtapon ng kahit anong basura sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨