𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗟𝗗𝗘𝗡 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Patuloy na isinusulong ng namumunong kongresista sa ikalawang Distrito ng Pangasinan ng Golden Rice sa lalawigan.

Alinsunod dito ang pagbabahagi sa mga munisipalidad sa ilalim ng Second District ang mga kaalamang nakapaloob sa produksyon ng Malusog o Golden Rice.

Tinalakay din ang ibat-ibang paraan at aksyon na tutulong para sa mga Pangasinenseng magsasaka na mapalago ang kanilang mga locally-produced products.

Kasunod nito ang pagbibigay pansin sa mga makabagong teknolohiya na potensyal sa pag-unlad ng sektor ng Agrikultura ng mga bayan dito maging ang buong lalawigan ng Pangasinan.

Samantala, matatandaan na nauna na itong dinala sa bayan ng Mangatarem at target na magkaroon din ang ibang mga munisipalidad ng Golden Rice production. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments