𝗙π—₯π—’π—‘π—§π—”π—Ÿ π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π— , π— π—”π—šπ——π—”π——π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π—£π—”π—š-π—¨π—Ÿπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

CAUAYAN CITY – Makakaranas ngayong araw ang buong Lambak ng Cagayan ng makulimlim na panahon na may kasamang pag-ambon dulot ng Frontal System.

Nangyayari ito sa twing nagkakasalubong ang mainit at malamig na hangin.

Dahil sa Frontal System, bababa rin ang temperatura o init na mararanasan ngayong araw sa Probinsya ng Isabela.


Mula sa 35 degrees celcius kahapon, maglalaro lamang ang temperatura ngayong araw sa 34Β° C.

Gayunman, umiiral pa rin at makakaapekto sa buong bansa ang Easterlies na magdudulot ng maalinsangan at mainit na panahon.

Sa ngayon ay wala pa ring binabaantayang low pressure area ang PAGASA sa loob at labas ng PAR.

Facebook Comments