𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang Isang trentay otso anyos na ginang matapos makabangga ang minamanehong motor nito sa Isang tumatawid na kambing sa bayan ng Burgos.

Ang biktima ay nakilalang si Anabelle De Leon residente ng nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado alas onse nang umaga sa National high way ng Brgy. Papallasen habang sakay ng motor ang biktima ng biglang may tumawid na kambing na aksidenteng mabangga nito.

Dahil dito ay tumilapon ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments