𝟭 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟱 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isa ang patay habang limang katao ang sugatan sa salpukan ng tricycle at motor sa may kahabaan ng Brgy. Nancamaliran West, Urdaneta City.

Kinilala ang driver ng tricycle na si Emmanuel Torne sakay ang tatlo pang katao na residente din sa naturang lugar habang ang driver naman ng motorsiklo ay kinilalang si Frederick Fabia sakay ang isang backride nito.

Nangyari ang aksidente matapos umanong magovertake ang motor sa isang sasakyan dahilan upang sakupin nito ang linya ng kasalubong na tricycle.

Dead on arrival sa pagamutan ang driver ng tricycle habang kasalukuyang nagpapagaling ang driver ng motor at mga pasahero na pawang nagtamo ng injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments