𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟮 𝗣𝗨𝗣𝗜𝗟, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝟭𝟲-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜

Cauayan City – Musmos pa lamang ngunit kalunos-lunos na ang sinapit ng isang grade 2 pupil matapos itong pagsamantalahan ng isang 16 na taong gulang na lalaki sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Naaresto ang suspek na si alyas “Miko”, habang ang biktima naman nito ay ang kanyang mismong pinsan.

Ayon sa report, ang biktima at magulang na mismo nito ang nagtungo sa himpilan ng Bagabag Police Station upang pormal na ireklamo ang suspek matapos umano nitong pagsamantalahan ang biktima noong October 2022.


Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa matagumpay na pagkaka-aresto sa suspek na agad ring dinala sa kanilang himpilan.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Bagabag PS si alyas “Miko” habang inihahanda ang kasong Statutory Rape na isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments