π—šπ—₯𝗔𝗑𝗔𝗗𝗔, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π— π—”π—‘π—¨π—˜π—Ÿ

Nagulat ang isang trenta y otso anyos na magsasaka matapos itong makakita ng granada habang nangunguha ng mga susu sa bayan ng San Manuel.

Kwento ng magsasaka na kinilalang si Eduardo Odanga, nangunguha ito ng susu sa bahagi ng Irrigation Canal ng Brgy. Narra sa nasabing bayan pasado alas tres ng hapon ng makita ang nasabing granada.

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pnp kung sino ang nag Iwan sa nasabing granada. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments