𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗧𝗔𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔 𝗕𝗢𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗢𝗡𝗚𝗔𝗢𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦

Naghihinagpis ang pamilya ng nasawing ginang matapos mauwi sa trahedya ang banana boat activity ng mga ito sa Cabongaoan Beach sa Brgy. Ilio-ilio, Burgos.

Tubong Ifugao ang biktima, 53 anyos kinilalang si Norina Habiatan. Kasama ng ginang ang asawa nito at isa pa nilang kasamahan nang mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ng banana boat ang tatlo nang biglang may malakas na alon na tumangay sa mga ito sa malalim na parte dahilan upang tumaob ang banana boat at nahulog ang mga sakay nito.

Nadala pa sa pampang ng asawa ang ginang at agad dinaluhan ng first aid. Naisugod din ito sa pagamutan at isinagawa ang CPR ngunit ideneklarang pumanaw na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments