𝗚𝗥𝗨𝗣𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗜𝗟𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nanindigan ngayon ang hanay ng transport group na Manibela na hindi sila sang-ayon sa isinusulong na PUV Consolidation.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Manibela Chairman Mar Valbuena, noon pa man aniya ay ayaw nila ng PUV Consolidation.

May mga miyembro rin, aniya sila na nakapag-modernize na ng mga Jeepneys ng hindi sumasali sa PUV consolidation.

Samantala aabot ng milyon-milyong katao ang maapektuhan sakaling ipatupad ang phase out ng mga traditional jeepneys kagaya ng mga commuters at mga naapektuhang mga commuters.

Sa ngayon ay ipagpapatuloy, aniya, nila ang mga protesta at mas malaking protesta pa ang ikinakasa bago ang deadline.

Nanindigan naman si Valbuena na tinatakot ang ilan sa mga kasamahan nila kaya napilitang sumali sa consolidation kaya ngayon ay unti-unti ng kumakalas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments