𝟭𝟭 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗔𝗕𝗜𝗘𝗦

Biglaan ang pagkamatay ng 11 anyos na bata, residente ng Brgy. Bantay Insik Sison, Pangasinan dahil umano sa rabies.

Ang biktima kinilalang si Jezrel Lagmay, isa umanong dog lover.

Ayon sa salaysay, napadaan lang daw ang aso sa kinaroroonan ng bata kaya nilapitan niya ito at kinandong nang bigla na lang siya nitong kagatin malapit sa tenga. Imbes na sa pagamutan ay sa magtatandok dinala ang biktima.

Noong February 23 ay nanghina ang biktima at nilagnat. Makalipas ang dalawang araw ay nag umpisa nang maglaway ang bata. Kinabukasan nito ay binawian ng buhay ang biktima.

Sa ngayon ay hindi na mahanap ang asong kumagat sa kanya.

Paalala ng awtoridad sa publiko, agad magpaturok ng anti-rabies upang maagapan at di na lumala ang kondisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments