Nasa halos dalawang daang ektarya na ng sakahan sa lalawigan ng Pangasinan ang apektado ng dry spell.
Nauna nang napaulat ang epekto sa mga sakahan sa bayan ng Tayug kung saan umabot sa higit limampung ektaryang taniman ang lubhang naapektuhan ng epekto ng El Nino at ayon pa sa Municipal Agriculturist ng Tayug ay 100% nang damaged ang mga ito.
Apektado rin ang halos animnapung (60) ektaryang sakahan sa bayan ng Manaoag, habang pumalo sa higit walumpu (80) hectares ang apektadong taniman sa bayan ng Sto. Tomas.
Kadalasang suliranin ng mga ito ang patubig dahilan na ang mga itinanim ay mga produkto na higit nangangailangan ng suplay ng tubig.
Samantala, nananatiling kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa idineklara na posibleng makaranas pa ng mas matinding epekto ng El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨