𝗠𝗔𝗦 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗞𝗔𝗟, 𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦

Tiyak para sa mga Dagupeños ang mas kalidad na serbisyong medikal hatid ng kabubukas lamang na Center for Disease Prevention and Control at Groundbreaking ng Nuclear Medicine Facility na matatagpuan sa Region 1 Medical Center (R1MC).

Abot kayang halagang gamutan ay kabilang sa hatid ng nasabing serbisyo.

Patuloy ding umaarangkada ang iba pang programang pangkalusugan sa lahat ng Dagupeños sa pamamagitan ng Alagang Healthy Dagupeño ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, alinsunod ito sa Universal Health Care Law na may layong mas paigtingin pa ang healthcare system ng mga lokalidad at maging kaisa sa UN Sustainable Development Goals. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments