𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛𝗖𝗔𝗥𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Mas tinututukan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ang sektor ng pangkalusugan para sa kapakanan ng mga Pangasinense.

Alinsunod dito ang nakatakdang pagkasundo ni Gov. Guico III sa Region 1 Medical Center (R1MC) sa paglagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa pagpapaigting pa ng healthcare system ng lalawigan.

Layon ng ipinasang resolusyon na italaga ng DOH ang R1MC bilang isang apex o end-referral na ospital para maghatid ng mga espesyal na serbisyo na hindi inaasahang maibibigay sa mga Health Care Provider Network (HCPN).

Ito ay upang matiyak ang pagtataguyod ng kapakanang pangkalusugan mula primary to tertiary na alinsunod na rin sa Republic Act No. 7160, kilala rin bilang e Local Government Code of 1991.

Samantala, kaugnay nito ang patuloy na pagsusulong ng mga health programs na maghahatid ng kalidad na serbisyong medikal para sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments