𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦’ 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Nagsimula na ang Division Schools Press Conference sa Dagupan City ngayong araw ika-17 hanggang 19 ng Enero sa Dagupan City National High School

Dadaluhan ito ng mga mag-aaral na kabiang sa Campus Journalism sa kanilang mga paaralan.

Ilan lamang sa sasalihan ng mga batang mamamahayag ay gaya ng Individual Contests na News Writing, Editorial Writing, Feature Writing, Sports Writing, Science and Health Writing, Copy Editing and Headline Writing, Photojouralism, Editorial Cartooning and Column Writing.

Mayroon ding group contests gaya ng Radio Scriptwriting and Broadcasting, Collaborative Desktop, TV Scriptwriting and Broadcasting Contest at marami pang iba.

Samantala, puspusan na rin ang iba’t ibang mga Division Schools sa kanilang paghahanda sa nalalapit na DSPC sa kanilang lugar kung saan ang ilan ay isasagawa ito ngayong Enero at ang iba naman ay gaganapin sa buwan ng Pebrero.

Pagkatapos naman ng DSPC, isasagawa ang 2024 Regional Schools Press Conference sa probinsiya ng Ilocos Sur kung saan pangangasiwaan ito ng Schools Division Office ng Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments