Higit kumulang dalawang libong mga persons with disabilities sa lungsod ng ALaminos ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kabuuang 1,900 ang lahat mga PWDs na nabenipisyuhan ng naturang tulong pinansyal.
Ang tulong ay daan upang matulungan ang mga benepisyaryo sa kanilang araw-araw na gastusin.
Ang Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS ay isang programa ng DSWD kung saan may layon na makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangang pamilya o indibidwal lalo na ang mga nakararanas ng krisis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments