𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢, 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Umaabot sa 18.6 milyong piso ang naipamahagi na sa 120 pamilya na biktima ng sunog sa Ilocos Region ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1.

Ayon sa DSWD, sa tatlumpung insidente ng sunog sa rehiyon, higit 16 milyong piso ang financial assistance, samantalang nasa halos dalawang milyon naman para sa mga food at non-food items.

Sa pagpasok naman ng fire prevention month, pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection ang mga residente na gawin ang lahat ng makakaya upang makaiwas sa mga posibleng pagmulan ng sunog. Hinihikayat nila ang bawat isa na isagawa ang iba’t ibang fire safety procedures para sa kaligtasan ng bawat isa.

Paalala rin ng DSWD na kung sakaling may mga insidente ng sunog ay huwag mag-alintanang ipagbigay-alam ito sa tanggapan ng BFP, LGU, at DSWD para sa mga kaukulang tulong na hatid ng ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments