𝗣𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Mas pinag-iigiting pa ngayon ang pamamalakad sa Bangus Industry ng Dagupan City upang mas mapalakas ang produksyon ng nasabing industriya.

Alinsunod dito ang pagpapatupad sa schedule ng Exclusive Dagupan Bangus upang mapanatili ang presyuhan nito sa merkado.

Patuloy din ang pulong na isinasagawa ng lokal ng pamahalaan sa mga fish cage owners at operators, at mga bangus dealers sa lungsod upang pag-usapan ang iba pang kaalamang nakapaloob dito.

Samantala, nananatili sa katamtamang presyuhan ang Bangus ngayon kung saan nasa P150 hanggang P180 ang per kilo nito, depende sa bibilhing size o laki. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments