𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛𝗙𝗥𝗢𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Umabot sa higit tatlong libong kilo ng basura o 3023.5 kilo ng basura ang nakolekta sa Lingayen Beachfront sa unang apat na buwan ng taong 2024 ayon sa Pangasinan PDRRMO.

Sa isinagawang clean up drive mula enero hanggang abril 2024, tambak na mga basura ang kanilang nakolekta mula beachfront at baywalk.

Sa datos, 43% sa mga nakolekta ay sanitary waste, 34% ay plastic waste at 23% naman ang glass bottle waste.

Nakababahala umano ang dami ng nakolektang basura kung kaya’t paalala ng awtoridad na maging responsable sana ang publiko sa tamang pagtatapon ng basura at ugaliin ang CLAYGO o cleas as you go.

Paalala rin ng Pang PDRRMO na magkaroon sana malasakit at paggalang sa kalikasan sa simpleng pagsunod sa wastong pagtatapon ng basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments