𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟬𝟬 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢

Muling nakapagtala ang Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD1) ng bagong higit 100 kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa loob lamang ng isang linggo.

Base sa datos ng DOH-CHD1, pumalo sa kabuuang 108 na kaso kung saan naitala ito mula ika-07 hanggang ika-13 Enero 2024.

Dagdag pa rito, mas mataas umano ng 38.5% ang naitala ngayon kumpara sa naitalang kaso noong ika-31 Disyembre 2023 hanggang ika-6 Enero 2024.

Sa ngayon mayroong 182 na intensive care unit beds (ICU beds) ngunit may 24 ang ginagamit ngayon ng mga pasyenteng may COVID-19.

Sa datos pa rin may tatlong naitala ang ahensya kung saan ang mga ito ay may kritikal na kondisyon.

Ibinahagi naman na sa kabila ng mga naitatalang kaso ng sakit ay wala pang naitatalang mga nasawi rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments