π—›π—œπ—šπ—œπ—§ 𝟭𝟬𝟬 π—žπ—”π—§π—”π—’, π—‘π—”π—œπ—§π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗑𝗔𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—’ π—‘π—š 𝗣𝗣𝗒 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—šπ—’

Nakapagtala ng 174 na indibidwal ang naaresto ng Pangasinan Provincial Police Office mula February 11-17 ngayong taon.

Sa patuloy na operasyon kontra illegal na droga, illegal gambling at loose firearms halos isang daang indibidwal ang kanilang naaresto. Sa bisa naman ng warrant of arrest, ang PPO ay nakapagtala ng 58 wanted na naaresto.

Kaugnay nito, ayon kay Provincial Director Jeff E. Fanged, credible ang sources ng kanilang tanggapan lalo na tungkol sa mga high-value individuals na nagsisilbing daan upang mahuli ang mga supplier at kasamahan.

Dagdag nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang himpilan sa mga local government unit ng bawat munisipalidad. Layunin ng kanilang himpilan na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan at mapuksa ang kriminalidad sa probinsya. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments