𝗟𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧, 𝗡𝗔𝗨𝗕𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗘𝗥𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗩𝗖 𝗖𝗔𝗥𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥’𝗦 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗘

Naubusan na ng reserbang PVC card ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) Dagupan District.

Ayon sa tanggapan ng LTO Dagupan, wala pa sa ngayong dumarating na suplay ng PVC card ngunit may darating naman ang kaso lamang ay wala pa umanong eksaktong petsa kung kailan ito darating.

Ang mga natirang naman na reserbang PVC card noong nakaraang buwan ay laan para sa mga OFW.

Nasa higit labing tatlong libo ang inabot na mga backlogs ngayon ng tanggapan ng LTO Dagupan dahil sa kawalan ng PVC card.

Ang ini-isyu muna ngayon ng tanggapan para sa mga kliyente nito ay ang temporary driver’s license kung saan sa bond paper muna naka-imprenta.

Sa ngayon, naghihintay na lamang ang district office sa abiso ng central office ukol sa PVC cards dahil nakadepende rin ang district office sa alokasyon ng mga ito sa oras na may darating na suplay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments