
Cauayan City – Naglabas ng paalala ang Philippine Information Agency katuwang ang National Council on Disability Affairs upang palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa pagkakaiba ng apparent at non-apparent disabilities, kabilang ang intellectual disability.
Ayon sa inilabas na ulat, ang apparent disabilities ay mga kapansanang makikita sa panlabas na anyo.
Kabilang dito ang mga pisikal na kapansanan tulad ng paggamit ng wheelchair, saklay, o pagkakaroon ng amputasyon.
Samantala, ang non-apparent disabilities ay mga kapansanang hindi agad nakikita ngunit may epekto sa kalusugan, kakayahan, at pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao.
Ilan sa mga halimbawa nito ay mental disability, psychological disability, rare diseases, at learning at intellectual disabilities.
Ipinaliwanag din ng ahensya na ang intellectual disability (ID), na dating tinatawag na Mental Retardation (MR), ay tumutukoy sa kondisyon kung saan ang isang tao ay may mas mababang kakayahan sa pag-iisip at maaaring may limitadong development o pagkatuto kumpara sa karaniwan.
Nagbigay rin ang ahensya ng gabay hinggil sa mga simpleng hakbang sa diagnosis ng intellectual disability sa Pilipinas.
Kabilang dito ang Paunang pagsusuri sa barangay, Pagre-refer sa espesyalista, Pormal na pagsusuri at psychological assessment, Pagkuha ng medical certificate para sa Persons with Disability (PWD) ID.
Katuwang sa proseso ang mga barangay health worker, paaralan o health worker, doktor, psychologist, at kinatawan ng PDAO o DSWD.
Layunin ng kampanya na itaguyod ang mas malawak na pag-unawa at pagtanggap sa mga taong may kapansanan, at hikayatin ang maagang konsultasyon upang mabigyan sila ng angkop na suporta at serbisyo mula sa pamahalaan.![]()
: Philippine Information Agency
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










