π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π——π—”π—šπ—¨π—£π—˜π—‘π—’π—¦, π—§π—œπ—£π—œπ—— 𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π—§π—¨π—•π—œπ—š π—žπ—”π—›π—œπ—§ 𝗣𝗔 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 π—”π—‘π—š π—¦π—¨π—£π—Ÿπ—”π—¬ π—‘π—œπ—§π—’ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—§π—”π—š-π—œπ—‘π—œπ—§

Nagtitipid pa rin sa tubig ang ilang Dagupeno kahit pa kinumpirma naman na sapat ang tubig sa lungsod ngayong nararanasan ang mainit na panahon.

Ang ilang residente sa island barangay, aminadong hirap sa matinding init ngayon ngunit kailangan pa rin umano nilang magtipid at mag-imbak ng sapat na tubig dahil kung sakali man na maranasan ang pagkawala ng tubig ng biglaan.

Ang mga bata naman, mas pinipili munang magtampisaw sa ilog o sa mga maliliit na palaisdaan para maibsan ang init ng panahon at makatipid sa tubig sa gripo at sa poso.

Samantala, inihayag naman ng alkalde ng lungsod na sapat ang tubig sa lungsod. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments