𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Sapat ang suplay ng tubig sa Dagupan City sa gitna ng nararanasang mainit na panahon, ayon sa alkalde.

Ipinahayag ni Mayor Fernandez na wala naman umanong nakikitang problema sa water supply ng lungsod ngayon.

Pagtitiyak pa rito ang isinasagawang monitoring sa suplay upang mabantayan ang kalagayan lalo na at isa ang Dagupan sa nakapagtala ng matataas na heat index sa buong bansa.

Sa kaugnay na balita, naglalaro sa 44 hanggang 47°C ang naitatalang heat index ng lungsod, at may pinakamataas na heat index sa bansa sa mga nagdaang araw.

Sa heat index forecast, inaasahan na papalo pa sa higit 50°C ang init na mararamdaman sa Dagupan pagdating ng buwan ng Mayo ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments