𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗦𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗗𝗣

Kabilang ang ilang kwalipikadong grupo ng mga magsasaka ng Pangasinan sa proyekto na inisyatibo ng Philippine Rural Development Program.

Pinangalanan ang mga grupong ito na mula sa iba’t-ibang distrito ng Pangasinan. Kabilang ang Tugui Grande Fresh Produce Farmers Assoc. Inc, Integrated Small Fishpond Owners and Lessees Multi-Purpose Cooperative, Urdaneta City Organic Farming Rice Corn Vegetables Growers Association, Alcala Onion Growers Multi-Purpose Cooperatives at Bolo Bongalon Magsaysay Dulig San Gonzalo Agrarian Reform Community Multi-Purpose Cooperative.

Sa naganap na Sangguniang Panlalawigan noong March 4, natanong ng ilang mambabatas ang criteria sa pagpili ng mga grupong ito at bakit hindi napabilang ang mga kooperatiba sa ilang mga distrito.

Binigyang linaw naman ito Provincial Agriculturist Dolly Moya na kinakailangan rehistrado ang grupo sa Cooperative Development Authority at sa SEC. Dapat ay accredited din umano sa DOLE, sustainable at mayroong ongoing project para sa mga miyembro upang patunayan na kaya nilang pamahalaan ng maayos ang proyekto mula sa PDRP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments