𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pagpatay sa isang lalaki na kalalaya lang mula sa kulungan sa bayan ng Bayambang.

Ang biktima ay nakilalang si Arnold Abalos residente ng Brgy. Telbang sa nasabing bayan na kalalaya lamang nitong Biyernes March 1, 2024.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon nakita ang nakahandusay na katawan ng biktima na naliligo na sa sariling dugo na tila hinampas sa ulo base sa sugat nito.

May tinutumbok na umano na person of interest ang PNP at nag-iimbestiga pa sa posibleng motibo ng pagpatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments