Nakiisa ang ilang local government units sa Pangasinan sa paggunita ng Day of National Mourning para sa mga nasawi at nasalanta ng nagdaang Bagyong Kristine.
Isa sa mga nakiisa ay ang lungsod ng Dagupan at Tayug na naka-half mast ang watawat ng Pilipinas bilang tanda ng kanilang pakikidalamhati sa mga nawalan ng mahal sa buhay at nasalanta ng bagyo.
Sa bisa ng Proclamation No. 728, idineklara ang November 4 bilang Day of National Mourning para sa pakikiisa sa mga nasawi at naapektuhan ng naturang bagyo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa Pangasinan, umabot sa 863 milyon ang inisyal na danyos sa agrikultura at imprastraktura ang iniwang danyos ng bagyo. Ang Bani at Dagupan City ay isinailalim sa State of Calamity dahil sa matinding epekto na iniwan ni Kristine.
Hinihikayat naman ang publiko na makiisa at mag-alay ng panalangin sa mga nasawi sa trahedyang idinulot ng bagyong Kristine. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨