
Cauayan City – Nagpaabot ng tulong pinansyal ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IX sa mga pasaherong sangkot sa nangyaring paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 nitong Lunes ika-26 ng Enero 2026.
Namahagi ang ahensya ng tig-P5,000 sa bawat 55 survivors habang tig-P10,000 naman para sa mga pamilya ng nasawi sa naturang insidente.
Bukod sa tulong pinansyal, tiniyak rin ng Angels in Red Vest ng DSWD FO-9 na mayroong sapat na pagkain ang mga pamilyang pansamantalang nananatili sa Isabela City Port sa pamamagitan ng ready-to-eat foods boxes.
Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD FO9 sa mga LGU ng Basilan at sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa masusing monitoring at assessment para matiyak na maibibigay ang karagdagang tulong hanggang sa makabangon at makauwi nang ligtas ang mga apektadong indibidwal.
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










