𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡

Pinaghahandaan na ng ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang posibleng maging epekto ng El Nino sa susunod na taon.

Inaasahan kasi ang mas kakaibang epekto ng El Nino phenomenon sa bansa sa unang quarter pa lamang ng 2024.

Ang ilan sa mga magsasaka, hindi maiwasan na mangamba lalo at isa sa kanilang kalaban sa pagtatanim ay ang tagtuyot at pagkawala ng suplay ng tubig sa kanilang mga bukirin.

Kung hindi umano magkakaroon ng plano ukol dito ay maaaring magkulang ang bigas na maaari nilang anihin dahil kulang ang magiging suplay ng tubig para palaguin ang mga itinanim kung sakali.

Ayon naman kay Pangulong BBM, nagbibigay kasiguraduhan sila na gagawin nilang mapadali ang pagsasaayos at pagtatapos ng mga irrigation projects ng Department of Agriculture at National Irrigation Administration nang sa gayon ay maagang maagapan at matulungan sa suplay ng tubig ang mga magsasaka.

Binibigyan ng apat na buwan na ultimatum ng pangulo ang DA at NIA para tapusin ang mga irrigation projects at iba pang programa ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments