𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔

Inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon, ika-17 ng Disyembre si Kap. Melinda “Tonet” Morillo ng Poblacion, Mangaldan, Pangasinan.
Idinaan ang libing sa Brgy. Tebag kung saan walang awang pinagbabaril si Morillo ng mga hindi pa natutukoy na suspek at nag-alay ng maiksing dasal at pamamaalam ang pamilya, kaibigan, barangay council at iba pang mamamayan.
Personal ding dumalo sa libing ang ilang mga opisyal at mga residente ng Mangaldan.

Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang kabiyak nitong si Leilane at kapatid na si Webster Morillo sa lahat ng nakiramay at nakilibing.
Patuloy pa rin ang paghiling ng pamilya Morillo na samahan silang ipagdasal na makamit ni Kap Tonet ang agarang hustisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments