Kanya-kanyang diskarte ngayon ang ilang magulang at estudyante sa Dagupan City para malabanan ang nararamdamang maalinsangang panahon.
Ang ilan sa magulang ng mga mag-aaral mula sa elementarya, nagdadala na ng mga extrang damit para sa kanilang mga anak para maiwasan matuyuan ng pawis at makakuha pa ng sakit.
Ang mg estudyante naman highschool at college, hindi umano kinakaligtaan ngayon ang pagdadala ng tumbler na may lamang malamig na tubig pati na rin payon panlaban sa mainit na sikat ng araw.
Nito lamang, naranasan ang nasa 36 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City dahil sa umiiral na easterlies o mainit na hangin.
Ibayong pag-iingat at magdala ng panangga sa init ang payo ngayon ng awtoridad para maiwasang makakuha ng mga sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨