𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗗𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Umaabot sa siyam na katao ang naaresto ng mga awtoridad sa sinalakay na Drug Den sa bayan ng Calasiao.

Sinasabing mag live-in partner na umano’y maintainer ng nasabing drug den ang target ng operasyon kaninang madaling araw.

Ikinasa ang operasyon maga-alas dose ng hatinggabi at umabot ng madaling araw kung saan ay naabutan ang pitong iba pa na nagpa-pot session.

Nakakuha sa lugar ng aabot sa labing tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng labing tatlong gramo at nagkakahalaga ng halos ₱90,000 kasama pa ang illegal drugs paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments