Sinang-ayunan ng ilang magulang sa Pangasinan ang panawagan ng National Parents and Teachers Association na kanselahin muna ang Semestral break upang mapunan ang mga araw na nagkaroon ng kanselasyon ng klase dahil sa mga nagdaang bagyo.
Ani ng ilang magulang, dapat lang umanong tanggalin muna ang sembreak dahil masyado nang mahaba ang bakasyon ng mga bata dulot ng sunod-sunod na bagyo.
Apektado umano ang pagkatuto ng mga bata dahil pagtutok sa cellphone ang pinagkaabalahan ng mga ito habang nasa bahay kaysa tapusin ang asignatura.
Samantala, ilang paaralan na ang nagtakda ng limang araw na make up classes sa mga learners bilang paghahabol sa mga aralin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments