𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗜𝗣𝗜𝗟𝗜 𝗠𝗨𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗞𝗔𝗬𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬

Mas pinipili muna sa ngayon ng ilang mamimili sa Dagupan City ang pagbili sa karneng manok bilang alternatibong pamalit sa karneng baboy lalo pa at darating na ang holiday season.
Inaasahan na umano ng ilang konsyumer ang mas magiging pagtaas pa ng presyo ng karneng baboy sa oras na pumasok ang buwan ng Disyembre.
Magiging in demand daw kasi ito panigurado dahil isa ang karneng baboy sa unang inihahanda tuwing holiday season kung kaya’t takbuhan muna ng ilan bilang pamalit ang karneng manok.

Kumpara rin umano sa karneng baboy, mas mataas pa ang suplay ng karneng manok sa ngayon at mas mura ang presyo kada kilo.
Sa ngayon, hirap pa rin na magpatuloy sa pagpapalawig ng piggery ang ilang hog raisers sa lalawigan bunsod pa rin ng ASF. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments