𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗜𝗧𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗥𝗣 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞

Hindi sinang-ayunan ng ilan sa mga nagtitinda ng manok ang planong pagtatakda ng Suggested Retail Price o SRP sa mga produktong manok bunsod ng nakikitang patuloy na pagtaas sa presyo nito sa merkado.
Ayon sa ilang manok vendors na personal na nakapanayam ng IFM Dagupan, maaari umanong malugi sila kung maiimplementa ang paglagay ng SRP sa manok sa kadahilanang sa kasalukuyan ay dumedepende raw ang mga ito sa pagsasaalang-alang ng iba pang gastusin kaugnay nito.
Pangamba rin nila na baka raw mas mababa kumpara sa inaasahan nila ang itakdang presyo para sa produktong manok.

Hiling ng mga ito na sana raw ay hindi patawan ng SRP ang nasabing produkto at mas titiyakin na lamang daw nila na sila ay tumatalima sa nararapat lamang na presyuhan ng manok sa merkado.
Samantala, nananatiling sapat ang suplay nito sa Dagupan City at sa ngayon, naglalaro sa 170 hanggang 180 ang kada kilo ng manok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments