𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗢𝗕𝗟𝗘 𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗖𝗠𝗘𝗗 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗛𝗔𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚

Doble ang pag iingat ngayon ng ilan sa mga estudyante sa Dagupan City ukol sa paggamit ng kanilang mga social media accounts lalo at talamak hanggang ngayon ang online hacking.
Madalas na gamit at accessible ang mga socmed acc sa mga estudyante bilang isa ito sa pinagkukunan nila ng updates sa kanilang mga eskwelahan maging ang pagkalap ng impormasyon para sa kanilang mga aktibidad.
Kabi-kabilaang links kasi sa social media platforms ang ikinakalat at ipinapasa madalas gamit ang pagchat sa messenger na siyang isang virus para makuha ang mga detalye ng personal account na gamit.

Ayon sa ilang mga estudyante, hindi naman na raw talaga mawawala ang hacking sa social media system lalo at nasa makabagong panahon na kung kaya’t pagiging matalino na lamang sa paggamit ang tanging panlaban nila sa mga mapagsamantala online.
Samantala, mas pinipili umano ng ilang estudyante na huwag muna i-link ang kanilang mga socmed acc sakanilang e-money transfers para di rin madamay ang ilan nilang business transaction. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments