𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Patuloy pa rin at mahigpit na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang inspection ay monitoring sa mga accommodation establishments sa kanilang lungsod.
Ito para masiguro na ang lahat ng mga running establishments ay sumusunod sa patakaran ng LGU gaya ng mga batas, ordinansa, at mga pamantayan lalo sa health and safety protocols.
Ang patuloy na pagsasagawa ng inspection at monitoring na ito ay para mapanatili rin ang kaayusan sa kanilang lungsod maging ang masiguro na lahat ay tumatalima sa mga patakarang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.

Mula naman ang inisyatibong ito sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ng alkalde ng lungsod, Mayor Arth Bryan Celeste. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments